me. my thoughts. my expression.

Sunday, March 22, 2009
Nakakaiyak maghugas ng pinggan
Unang araw ng bakasyon. Siyempre, balik na sa buhay bahay. Pagod pa ako mula sa maraming mga pangyayari -ang term paper sa ratpsych, ang mga deadlines na natapos, ang mga reports na pinaghandaan, ang finals, at marami pang mga bagay na ang iba eh wala naman talagang kinalaman sa pag-aaral.

Unang araw ng bakasyon, hindi ko masasabing maayos. Masakit ang loob ko. Napaisip nanaman ako tungkol sa buhay ko.

Pagod ako ngayong araw. May mga bagay na ginawa. Pero hindi naman dapat ganito kabigat ang pakiramdam ko eh. Kaso may nangyari na nakapagpabigat.

Alam ko independent ako. Alam din yan ng mga magulang ko. Sabi nga ng nanay ko, ako yung anak niya na kayang gawin kahit ako na ako lang mag-isa. Kaya ko daw sumali sa contest ng akong mag-isa, kaya kong magpunta ng Manila na akong mag-isa, kaya kong mabuhay na akong mag-isa. Kaya ko daw kahit ako lang mag-isa.

Pero lagi kong sinasabi, hindi ko nagagawa lahat ng gusto ko. Masakit para saken toh. Ang dami kong 'frustrations' sa buhay. Ang dami kong gustong magawa pero hindi ko nagawa at malamang lamang, hindi ko na magagawa. Nung bata ako, gusto kong maging dancer. Oo, frustration ko yan. Gusto kong sumayaw pero hindi talaga ako nabigyan ng pagkakataon, at siguro di rin talaga nabigyan ng talento. Gusto ko rin maging magaling sa isang instrumento. Pero hindi rin ako nabigyan ng pagkakataon. Lagi kong sinasabi nun kina mama, gusto kong maglesson ng ganito, ng ganyan. Sasabihin oo pero hindi naman matutuloy. Laging nangyayari yon, lalo na pag summer.

Ngayong summer na toh, gusto kong matuto ng mga bagay bagay tulad ng pagmamaneho. Gusto ko ring sumama sa mga kaibigan ko sa isang workshop na a-atendan nila. Gusto kong may magawa ngayong summer na ito. Pero malakas ang pakiramdam ko, hindi ko magagawa ang mga toh.

Tulad ng sabi ko kanina, masakit ang loob ko. Bakit? Kasi iniisip ng magulang ko, independent ako. Siguro tama siya pero hindi naman kasi ibig sabihing independent ako, hindi ko na kailangan ng suporta.

At masakit din ang loob ko kasi iniisip ng mga magulang ko independent ako. Pero hindi ko naman ito lubusang maramdaman. May mga bagay akong gustong gawin pero hindi ko magawa kasi alam kong hindi sila papayag. Gusto kong magkaroon ng kalayaang tuklasin ang mundo. Gusto kong magkaroon ng kalayaang gawin ang mga gusto kong gawin. Pero anak lang kasi ako kaya wala akong magagawa.

Bilib ako sa kapatid ko eh. Kaya niyang hindi sundin ang nanay ko. Kaya niyang maghingi ng permiso nang paulit-ulit kahit paulit-ulit siyang sinasabihan ng hindi. Ako kasi hindi ganon eh. Takot ako. Yung tipong kahit alam kong may chance na papayagan naman ako, takot pa rin akong magpaalam kasi ayokong napapagalitan. Ayoko ding nag-aaway kami ng mga magulang ko. At higit sa lahat, ayokong nasasaktan kasi sa tuwing hihingi ako ng permiso, hinahangad ko na sabihin nila 'oo'.

Tapos sa isang kapatid ko naman, naiinggit ako. Hindi kasi siya independent para sa mga magulang ko eh. Para sakanila, hindi kaya ng kapatid kong mag-isa. Para sakanila, kailangan siyang tutukan kasi kailangan talaga niya. Sabi kanina, magvovoice lesson siya. Tapos maggui-guitar lessons din. Gusto yun ng kapatid ko. Natutuwa ako para sakanya.

Pero sa loob ko, nalulungkot ako para sa sarili ko.

Summer? Bahala na kung ano ang mangyayari.


posted by Carmela @ 5:10:00 PM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
"-'At any given moment in our lives, there are certain things that could've happened but did not'- By the River Piedra I Sat Down and Wept, Paulo Coelho
About Me

Name: Carmela
Home: Angeles City, Regio iii, Philippines
About Me: i'm someone worth knowing. i love to express my thoughts so here i am. i'm only sixteen and i'll be a college freshie soon @ UST, going to take up AB-Communication Arts. "i'm shallow enough to appreciate bits of life's pleasures"
See my complete profile
Previous Post
Archives
warp to other pages
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER