| Naglakad ako sa may kahabaan ng lugar na hindi ko lubos na alam. May gusto akong puntahan pero bago lang ako rito, hindi pa gaanong sanay.Hindi pa ako pamilyar sa mga pwedeng puntahan o sa mga shortcuts para madali akong makarating sa gusto kong marating.
May nakita akong likuan. San kaya ito patungo? Hindi ko alam. Maraming tao ang nasa paligid. Pwede akong magtanong pero ayaw ko. Para bang gusto kong bigyan ng leksyon ang sarili ko. Gusto kong matuto sa sarili kong pagsisikap.
Oo, isang malaking pagbabakasakali ito. Pwede akong maligaw lalo, pwede akong mapahamak, pwede akong mapalayo sa gusto kong puntahan. Pero kasabay ng mga negatibong ideyang ito ay ang posibilidad ring pwede akong makarating agad sa gusto kong puntahan, okaya ay pwedeng may kaibigan akong makasabay, o pwede ring marami akong matutunan sa pagpunta ko doon.
Ganyan ang buhay. Sa bawat desisyon, may laging pwedeng pagpilian. Oo o hinde? Itim o puti? Meron o wala? Lagi yan. Hindi pwedeng wala, nandiyan na agad. Dapat pag-isipan, dapat bigyan ng pansing ang mga pipiliin.
Parang ngayon. Pwede akong tumigil na lang at wag nang tumuloy. Pwede rin akong lumiko dito, okaya doon. Pwede ring bumalik ako sa dating lugar na mas alam ko. Pero ano nga bang gagawin ko?
Tulad ng sabi ko, dapat itong pag-isipan. Walang masama kung magpahinga muna sa paglalakad. Isip muna..at marahil pwede ring gumamit ng puso, kahit papaano lang. |